“`html
Martes, ika-26 na linggo ng karaniwang panahon
Alaala ni S. Pio de Pietrelcina, pari
Sa teksto ni Ezra, mababasa natin na natapos ng mga Israelita ang Templo ng Diyos sa utos ni Haring Dario (sinimulan ito sa panahon ng paghahari ni Ciro). Natapos ito noong mga 515 B.C.E. sa dating lugar ng napakagandang templo ni Solomon. Nang matapos ang Templo, isinauli nila ang pagkasaserdote ayon sa itinakda ni Moises sa Torah. Ang Awit ay nagsasalaysay ng kagalakan sa paglalakbay papunta sa Templo sa Jerusalem.
Sa Ebanghelyo, sinabi sa atin ni Jesus na ang mga nakikinig sa kanyang salita at isinasagawa ang kanyang kalooban ay ituturing na kanyang ina, mga kapatid na babae, at mga kapatid na lalaki. Isang hamon ito sa atin na tanungin ang ating mga sarili kung karapat-dapat tayo sa mga titulong ito at kung hindi, ano ang handa nating gawin upang ituring na malapit na pamilya ni Jesus.
“`

Leave a Reply