Lunes ng Ika-tatlumpung Linggo sa Karaniwang Panahon
Ipinaaalala sa atin ni San Pablo sa sipi ngayon mula sa liham sa mga taga-Roma na kailangan nating mamuhay ayon sa Espiritu kung nais nating maligtas. Kailangan nating talikuran ang ating mga makasanlibutan at makasalanang pamamaraan at bumaling sa Panginoon, kung hindi ay mapapahamak tayo. Sa lipunang kinalalagyan ni Pablo, ang pagiging ampon sa isang pamilya ay nangangahulugang pagtanggap sa lahat ng karapatan at pribilehiyo ng pamilyang iyon. Pinalalawig niya ito upang ipaalala sa atin na tayo ay inampon bilang mga anak ng Diyos at samakatuwid ay nakikibahagi sa parehong mga karapatan at pribilehiyo tulad ni Kristo, na ating kapatid. Dagdag pa rito, ipinaaalala sa atin ng Salmo na nililigtas tayo ng Panginoon.
Sa Ebanghelyo, nakita natin si Jesus na nagpagaling ng isang babae sa araw ng Sabbath, na ikinagalit ng mga opisyal ng sinagoga, at nagbunsod sa isa sa kanila na sumumbat kay Jesus. Ngunit ipinapakita ng tugon ni Jesus na walang anumang ipinagbabawal sa Batas ang paggawa ng mabuti kahit sa araw ng Sabbath. Hindi nakita ng mga opisyal na ang pagsunod lamang sa Batas ay hindi makapagliligtas sa kanila – namis nila ang turo tungkol sa pananampalataya. Ipinapakita rin nito na habang ang kaligtasan ay nasa gitna nila, ang ilang Fariseo ay labis na nabulagan ng Batas upang makita ang kaligtasan na ito.

Leave a Reply