Martes ng Ika-dalawampu’t Siyam na Linggo ng Karaniwang Panahon
Sa unang pagbasa mula sa kanyang
liham sa mga taga-Roma, sinabi sa atin ni San Pablo na kung paanong ang kasalanan
ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, gayundin ang sanlibutan
ay tinubos sa pamamagitan ng isang tao. Ang unang tao ay si Adan at ang ikalawa
ay si Kristo. Gaano man karami ang kasalanang magawa ng mga tao, ang biyaya ng
Diyos ay laging mas sagana at naghihintay ang kaligtasan sa bawat tao kung
mayroon siyang lakas ng loob na tanggapin ito.
Sa Ebanghelyo, ipinaalala sa atin
ni Jesus na laging maging handa dahil hindi natin alam kung kailan babalik ang
Panginoon. Ginagamit niya ang talinghaga ng mga lingkod na naghihintay sa
pagbabalik ng panginoon mula sa kanyang piging ng kasal. Anuman ang oras ng
kanyang pagbabalik, gugustuhin niya na sila ay naghihintay. Tayo ang mga
tagapamahala ng nilikha ng Diyos at kaya’t inaasahan niyang makita ang kanyang
tahanan sa mabuting kalagayan kapag siya ay dumalaw sa atin.

Leave a Reply