Si Adeline ay kapatid ng Pinagpalang Vital, abbot ng
Savigny at siya ay sinimulan sa buhay relihiyoso sa pamamagitan niya. Si Adeline ang unang abadesa ng
abbey ng “Dames Blanches” sa Mortain sa departamento ng
La Manche sa Normandy na itinatag noong 1105 o 1115 ni Konde Guillaume
ng Mortain. Ang Batas na sinusunod ng religious house na ito ay ang kay San
Benito na sinamahan ng ilang pagmamasid na hango sa tradisyong Cistercian.
Dahil sa kulay ng kanilang kasuotan, ang mga
madre ay tinawag na “Dames Blanches”. Matapos
ang buhay na inialay sa panalangin, pagpapakasakit at gawaing kawanggawa, ang
pinagpalang Adeline ay tinawag sa kanyang gantimpala noong 1125.
Ang kanyang reputasyon sa kabanalan ay gayon na pagkalipas ng maikling panahon,
siya ay nagsimulang parangalan bilang isa sa mga pinagpalang babae at ang kanyang
labi ay buong-galang na inilipat (kasama ang sa kanyang kapatid at iba pang
relihiyoso) sa Savigny.

Leave a Reply