Oktubre 16, Santa Margarita Maria Alacoque: Madre Visitandina sa Paray-le-Monial (+ 1690)

 

Ipinanganak
sa diyosesis ng Autun, sa France, inilaan ni Santa Margarita Maria Alacoque ang
kanyang puso, noong bata pa lamang siya, sa Mahal na Puso ni Hesus.

Upang ganap na ialay ang sarili sa
kanyang Banal na Asawa, pumasok ang Santa sa edad na dalampu’t tatlo sa Orden
ng mga madre ng Pagdalaw sa Paray-le-Monial sa Charleroi. Marami siyang
pinagdaanan na pagsubok at paghihirap, ngunit tiniis niya ang lahat alang-alang
sa pagmamahal kay Hesus. Noong 1675, pinili siya ng Diyos upang ihayag sa
Kristiyanong mundo ang debosyon sa Mahal na Puso ni Hesus. Si Santa Margarita
at San Claude de la Colombière, SJ, ang mga pangunahing instrumento sa
pagdiriwang ng Mahal na Puso. Namatay siya noong 1690 at ginawang santo noong
1920 ni Papa Benedicto XV.

 

PANALANGIN: Panginoon, ibuhos mo sa
amin ang espiritu na ipinagkaloob mo kay Santa Margarita-Maria. Tulungan mo
kaming malaman ang pag-ibig ni Kristo, na napakalaki para sa kaalaman ng tao,
at mapuno ng kaganapan ng Diyos. Amen.

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*