Oktubre 10: San Daniel at ang kanyang mga kasamang Franciscano, mga martir sa Ceuta, Morocco (✝ 1227)

 

Mga Minoryang Kapatid at martir; hindi alam ang petsa ng kapanganakan; namatay noong Oktubre 10, 1227. Ang pagkamartir ni San Berard at ng kanyang mga kasama noong 1219 ay nagliyab sa maraming relihiyoso ng Orden ng mga Minoryang Kapatid ng pagnanais na ipangaral ang Ebanghelyo sa mga paganong bansa.

Noong 1227, ang taon matapos ang pagkamatay ni San Francisco, anim na relihiyoso mula sa Tuscany, sina Agnellus, Samuel, Donulus, Leo, Hugolinus at Nicholas, ay humingi ng pahintulot kay Kapatid Elias ng Cortona, na noon ay vicar general ng orden, upang ipangaral ang Ebanghelyo sa mga di-mananampalataya sa Morocco. Ang anim na misyonero ay unang naglakbay sa Spain, kung saan sila ay sinamahan ni Daniel, provincial minister ng Calabria, na naging kanilang superyor. 

Umalis sila sa Spain at, noong Setyembre 20, nakarating sa baybayin ng Africa, kung saan nanatili sila ng ilang araw sa isang maliit na nayon na pangunahing tinitirhan ng mga Kristiyanong mangangalakal sa labas lamang ng mga pader ng siyudad ng Saracen ng Ceuta. Sa wakas, napakaaga ng Linggo ng umaga, pumasok sila sa siyudad, at agad na nagsimulang ipangaral ang Ebanghelyo at tuligsain ang relihiyon ni Mahoma. 

Hindi nagtagal ay dinakip sila at dinala sa harap ng sultan na, iniisip na sila ay baliw, ay nag-utos na ikulong sila. Nanatili sila doon hanggang sa sumunod na Linggo kung saan sila ay muling dinala sa harap ng sultan, na, sa pamamagitan ng mga pangako at banta, ay walang kabuluhang sinikap na ipatanggi sa kanila ang Kristiyanong relihiyon. Lahat sila ay sinentensiyahan ng kamatayan. Bawat isa ay lumapit kay Daniel, ang superyor, upang humingi ng kanyang pagpapala at pahintulot na mamatay para kay Kristo. 

Lahat sila ay pinugutan ng ulo. Si San Daniel at ang kanyang mga kasama ay kinanonisa ni Leo X noong 1516. Ang kanilang kapistahan ay ipinagdiriwang sa orden tuwing Oktubre 13.

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*