Oktubre 1: Santa Teresita ng Batang Hesus, Teresita ng Lisieux, Duktor ng Simbahan (+ 1897)


Si Marie Françoise-Thérèse Martin – na popular na kilala bilang “Ang Munting Bulaklak” – ay ipinanganak sa Alençon, sa hilagang France, noong 1873, isa sa siyam na anak ng mga Santong sina Louis at Zélie Martin. Bagama’t bata pa (sa edad na 15), at sa kabila ng pagtutol, pumasok siya sa monasteryo ng mga Discalced Carmelite sa Lisieux. Sa pamamagitan ng salita at halimbawa, tinuruan niya ang mga nobisyado ng mga birtud ng pagpapakumbaba. Dahil sa isang mahirap na sakit (tuberkulosis), namatay siya noong Setyembre 30, 1897. Si Thérèse ay kinanonisa noong 1925 at sunud-sunod na tinawag siya ng mga papa bilang “pinakadakilang santa ng modernong panahon.” Sumikat siya sa kanyang “Munting Daan” na matatagpuan sa kanyang mga natitirang liham at talambuhay. Ipinahayag siya bilang Doktor ng Simbahan ni Papa Juan Pablo II noong 1997. Siya ay co-patron ng mga Misyon at pangalawang patron ng France.

 

PANALANGIN: Diyos Ama namin, Ipinagkaloob Mo ang Iyong Kaharian sa Iyong mga abang anak. Tulungan Mo kaming tularan ang landas ni Santa Thérèse, upang sa pamamagitan ng kanyang pamamagitan, ay makamtan namin ang walang hanggang kaluwalhatian na Iyong ipinangako. Amen.

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*