Nobyembre 28: San Santiago de la Marche, Prayleng Menor sa Naples (+ 1476)


Si Jacques
 Gangala ay isinilang noong 1391 sa Marches
ng Ancona, Italya, kaya tinawag siyang “de la marche.” Bagama’t may
simpleng pinagmulan, nakapag-aral siya sa Unibersidad ng Perugia at nakamit ang
titulo ng doktor sa batas. Gayunpaman, pagkatapos ng maikling panahon sa
pagtuturo, tinalikuran niya ang mundo upang maging isang paring Pransiskano.
Siya ay inordenahan at sa loob ng limampung taon ay ipinangaral ang
Pananampalataya sa libu-libong tao sa tamang panahon at kahit hindi. Kasama si
San Juan ng Capistrano, masigla niyang nilabanan ang mga sektang rigorista at
heretiko na kilala bilang Fraticelli at nakatulong upang makiisa ang mga
katamtamang Hussites sa Simbahan sa Konsilyo ng Basel.

 

Saanman
siya magpunta, si Jacques ay nagpakita bilang isang nagniningning na huwaran
ng kabanalan at apostolado ng mga Pransiskano. Napakalaki ng kapangyarihan ng
kanyang pangangaral na diumano’y nakapagbalik-loob siya ng limampung libong
heretiko at di mabilang na makasalanan, kabilang ang tatlumpu’t anim na patutot
sa isang sermon lamang tungkol kay Santa Maria Magdalena. Naglakbay siya sa
buong Europa bilang embahador ng mga papa at pinuno, kaunti ang tulog at marami
ang panalangin.

 

Ang
pagmamahal ng santo sa mahihirap ang nagtulak sa kanya na magtatag ng mga
bahay-sanglaan kung saan makakautang sila ng pera sa mababang interes, isang
gawain na lubos na pinasikat ng kanyang alagad, si San Bernardine ng Feltre.
Pagkatapos ng isang masiglang programa ng buhay, mahigpit na penitensiya at
walang katapusang gawain, si San Jacques
 ay namatay noong Nobyembre 28, 1476 at
kinanonisa noong 1726 ni Papa Benedikto XIII.
 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*