Nobyembre 24: Mga Santo Martir ng Vietnam na sina San Andres Dung Lac, pari at ang kanyang mga kasamang martir sa pagitan ng 1745 at 1862

Si Andrew
Dung-Lac, isang Katolikong nagbalik-loob na inordinahan sa pagkapari, ay isa sa 117
kataong pinaslang sa Vietnam sa pagitan ng 1820 at 1862. Ang mga miyembro ng grupo ng mga
kasama ay nagbigay ng kanilang buhay para kay Kristo noong ika-17, ika-18, at ika-19 na siglo, at
nakatanggap ng beatipikasyon nang apat na beses sa pagitan ng 1900 at 1951. Lahat
sila ay kinanonisa sa ilalim ng pontipikado ni San Juan Pablo II.

Kabilang
sa mga ito ang 96 Vietnamese, 11 misyonerong isinilang sa Espanya at kabilang
sa Order of Preachers, at 10 misyonerong Pranses na kabilang sa Paris Foreign
Missions Society. Kabilang sa mga santong ito ang 8 obispong
Espanyol at Pranses, 50 pari (13 Europeo at 37 Vietnamese) at 59 layko
mula sa lahat ng antas ng buhay.

Dahil
sa mga pagsisikap ng iba’t ibang relihiyosong pamilya sa misyon mula ika-17
siglo (1625) hanggang 1866, narinig ng mga mamamayang Vietnamese ang mensahe ng
Ebanghelyo at marami ang tumanggap nito sa kabila ng pag-uusig at maging ng
kamatayan.

Ang
mga Martir na ito ay nagbigay ng kanilang buhay hindi lamang para sa Simbahan
kundi pati na rin para sa kanilang bansa. Ipinakita nila na nais nilang mag-ugat
ang Ebanghelyo ni Kristo sa kanilang mamamayan at mag-ambag sa kapakanan ng
kanilang lupang tinubuan. Noong ika-1 ng Hunyo 1989, ang mga banal na martir
na ito ay isinulat sa kalendaryong liturhiko ng Simbahang Universal para sa
ika-24 ng Nobyembre.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*