Nobyembre 22: Santa Cecilia ng Roma, Birheng Romano (+ 230)

 

Bagama’t si Santa Cecilia ay isa sa pinakabantog na Romanong martir, ang mga kuwentong pamilyar tungkol sa kanya ay tila hindi nakabatay sa mga tunay na elemento. Walang tala ng anumang pagpaparangal sa kanya sa mga unang panahon. Isang pira-pirasong inskripsiyon mula sa huling bahagi ng ika-4 na siglo ang tumutukoy sa isang simbahan na ipinangalan sa kanya, at ang kanyang pista ay ipinagdiwang nang hindi bababa sa taong 545.

 

Ayon sa alamat, si Santa Cecilia ay isang mataas na ranggo na batang Kristiyana na ikakasal sa isang Romano na nagngangalang Valerian. Dahil sa kanyang impluwensya, si Valerian ay nagpaconvert at naging martir kasama ang kanyang kapatid. Ayon sa alamat ng pagkamatay ni Santa Cecilia, matapos siyang tamaan ng tatlong beses sa leeg ng espada, nabuhay siya ng tatlong araw at hiniling sa Santo Papa na gawing simbahan ang kanyang bahay.

Ang pangalan ni Santa Cecilia ay palaging pinakadakila sa Simbahan, at mula pa noong unang panahon, ito ay nabanggit sa Canon ng Misa (Unang Panalangin ng Eukaristiya). Siya ay pinararangalan bilang patrona ng musika ng simbahan.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*