Ika-2 ng Nobyembre, Paggunita sa Lahat ng mga Yumao
Paalala : Ang lahat ng pagbasa mula sa Lectionary para sa mga patay ay maaaring gamitin ngayon.
Ngayong araw,
ginugunita natin ang lahat ng miyembro ng Simbahan na namatay kay Kristo. Alam natin na nagtagumpay si Kristo laban sa kamatayan at
gayunpaman may mga tao pa ring namamatay. Ang mahalaga na tandaan natin ay
kahit mamatay ang ating makalupang katawan, ang ating kaluluwa ay hindi
namamatay. Naligtas tayo ni Kristo na namatay para sa atin kahit na tayo ay
nagkakasala pa.
Habang
ginugunita natin ang mga yumaong mananampalataya sa kanilang mga libing at mga
anibersaryo, espesyal natin silang inaalala ngayong araw at ipinagdarasal ang
kanilang walang hanggang kaligayahan.
Sa
araw na ito kung saan ginugunita natin ang ating mga mahal sa buhay na nauna
sa atin, paalala rin ito na, gusto man natin o hindi, makakapiling din natin
sila sa kalaunan. Ano ang gagawin upang hindi malimutan? Dapat tayong gumawa
ng mabuti.

Leave a Reply