Kakaunti lamang ang nalalaman tungkol
sa buhay ni Juan Diego, na pinagpakitaan ng Mahal na Birhen ng Guadalupe noong Disyembre
9, 1531. Siya ay binigyan ng pangalang “Cuauhtlatzin” (na nangangahulugang
“Umakong Nagsasalita” sa kanyang sariling wika).
Siya ay miyembro ng mga taong
Chichimeca, isa sa mga pinaka-maunlad sa kultura na naninirahan sa
Lambak ng Anahuac, na dating tawag sa rehiyon na ngayon ay Mexico City. Siya ay pinuno ng
kanyang sariling bayan at maaaring kasangkot sa industriya ng tela sa rehiyon.
Matapos ang pagpapakita ng Mahal na
Birheng Maria, ayon sa tradisyon, si Juan Diego ay pinahintulutan
ng obispo na mamuhay bilang ermitanyo sa isang maliit na kubo malapit sa
kapilyang itinayo sa Tepeyac. Doon, inalagaan niya ang simbahan at ang mga unang
peregrino na dumating upang makita ang milagrosong imahe at magdasal sa Ina ni Jesus. Ang kanyang mga
kapanahon ay humanga sa kanyang kabanalan; ugali ng mga magulang na basbasan ang kanilang
mga anak na may nais na: “Nawa’y gawin kayo ng Diyos tulad ni Juan Diego.”
Namatay si Juan Diego noong 1548;
siya ay ginawang beato noong 1990 ni Juan Pablo II at ginawang santo noong 2002
ng kaparehong Papa.
DASAL: Panginoong Diyos, sa pamamagitan ni
San Juan Diego, ipinahayag Mo ang pagmamahal ng Mahal na Birhen ng Guadalupe
sa Iyong bayan. Sa kanyang pamamagitan, ipagkaloob Mo sa amin, na sumusunod sa payo ni
Maria, aming Ina, na patuloy kaming magsikap na gawin ang Iyong kalooban. Amen.

Leave a Reply