Disyembre 6: San Nicolas ng Mira, Obispo ng Mira (c. 350)

 

Patron
ng mga panadero, mga bata at mga tagapagpahiram ng pera (sa prenda)

 

Karaniwan
ang paniniwala na si San Nicolas ay nagmula sa Patara sa Lycia, sa Asia Minor.
Siya ay naging monghe sa monasteryo ng Banal na Sion malapit sa Myra. Mula sa
tahanang iyon, siya ay ginawang abbot ng arsobispo, na siyang nagtatag nito.
Nang mabakante ang luklukan ng Myra, ang kabisera ng Lycia, si San Nicolas ay
itinalagang arsobispo nito. Sinasabing siya ay nagdusa para sa pananampalataya
sa ilalim ni Diocletian, at siya ay naroroon sa Konseho ng Nicaea bilang
kalaban ng Arianismo. Namatay siya sa Marie, bandang taong 342.

 

Ang
katangi-tanging kabutihan ni San Nicolas ay tila ang kanyang pagkakawanggawa
sa mga mahihirap. Sinasabi rin na siya ay mapagpakasakit at mapagpigil mula pa
sa kanyang murang pagkabata. Si San Nicolas ay itinuturing na natatanging
patron ng mga bata. Ang Emperador Justinian ay nagpatayo ng simbahan bilang
parangal sa kanya sa Constantinople sa labas ng Blachernae, bandang taong 340.

 

Ang
Santo ay laging pinarangalan nang may malaking paggalang sa mga simbahang
Latin at Griyego. Ang Simbahang Ruso ay tila mas pinaparangalan siya kaysa sa
iba pang mga santo maliban sa mga Apostol.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*