Disyembre 13: Santa Lucia ng Siracusa, Birhen at Martir sa Sicilya (+ c. 305)

 

Patrona ng mga bulag at mga manunulat

 

Si Santa Lucia, na nagmula sa Syracuse sa Sicily, ay mula pa sa kanyang pagkabata ay pinalaki sa pananampalataya kay Kristo sa pangangalaga ng kanyang inang biyuda na si Eutychia. Sa murang edad, lihim siyang nanumpa ng kalinisang-puri. Sinamahan niya ang kanyang inang matagal nang naghihirap sa libingan ni Santa Agueda, at doon gumaling ang kanyang ina mula sa kanyang sakit. Noon ay isiniwalat ni Santa Lucia sa kanyang ina ang panata na kanyang ginawa, at ang kanyang ina, bilang pasasalamat sa kanyang paggaling, ay pinahintulutan siyang sundin ang kanyang mga banal na hilig.

 

Ang binatang maharlika na naghanap sa kanya para pakasalan ay labis na nagalit kaya inakusahan niya si Lucia ng pagiging Kristiyano. Ikinulong siya, ngunit binigyan siya ng Diyos ng biyaya upang mapaglabanan ang mga pagpapahirap na ipinaranas sa kanya. Sa humigit-kumulang na taong 304/305, sa gitna ng matinding digmaan laban sa mga Kristiyano sa ilalim ni Diocletian, natagpuan ni Santa Lucia ang kanyang kamatayan sa pamamagitan ng espada.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*