Disyembre 12: Mahal na Ina ng Guadalupe

 

Ang dambana ng
Our Lady of Guadalupe, malapit sa Mexico City, ay isa sa pinakatanyag na lugar ng
peregrinasyon sa Hilagang Amerika. Noong Disyembre 9, 1531, ang Mahal na Birheng
Maria ay nagpakita kay Juan Diego, isang nagbalik-loob na katutubong Mexicano,
at iniwan sa kanya ang isang larawan ng kanyang sarili na nakaimprenta sa
kanyang balabal.

 

Nang maglaon, ang larawan ay inilagay
sa isang napakagandang dambana na pinatingkad ng Romanong Pontipise sa
pamamagitan ng pagbibigay dito ng isang Kabanata ng mga Kanoniko para sa
karingalan ng Banal na Pagsamba. Doon, ito ay naging tanyag dahil sa pagdalo ng
maraming tao at ang dalas ng mga himala, na walang kapantay na nagpalakas sa
debubosyon ng bansang Mehikano sa Ina ng Diyos.

 

Dahil dito, itinuring ng Arsobispo
ng Mexico at ng iba pang mga obispo sa mga rehiyong iyon, pati na rin ng lahat
ng uri ng lipunan, si Our Lady of Guadalupe bilang kanilang pinakamakapangyarihang
tagapagtanggol sa mga pampubliko at pribadong sakuna at pinili siya bilang
pangunahing patrona ng Mexico.

 

Ang debosyon kay Maria sa
ilalim ng titulong ito ay patuloy na lumago at siya ngayon ang Patrona ng mga
Amerika. Dahil sa malapit na ugnayan sa pagitan ng Simbahan ng Mexico at
Simbahan ng Estados Unidos, ang kapistahang ito ay inilagay sa kalendaryong
Amerikano.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*