Sabado ng Ikatatlumpu’t Isang Linggo ng Karaniwang Panahon
Ngayon,
tinatapos natin ang ating pagbabasa ng liham sa mga taga-Roma at nakikita natin si San Pablo
na nagtatapos sa tipikal na paraan – sa pamamagitan ng pagbati sa mga tao at pagbibigay luwalhati sa Diyos.
Naririnig din natin ang mga pangalan ng ilan sa mga taong
nag-alaga kay Pablo sa Roma at naglaan ng kanilang mga tahanan para sa gawain ng
pagpapalaganap ng Ebanghelyo. Nagbibigay luwalhati at papuri rin sa Diyos ang Salmo.
Sa
Ebanghelyo, nakikita natin si Jesus na sinasabi sa kanyang mga tagapakinig na gamitin ang pera at mga
ari-arian upang magkaroon ng mga kaibigan. Sa pamamagitan nito,
ibig niyang sabihin na nakikipagkaibigan tayo
sa mga mahihirap at walang-wala sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ating kayamanan sa kanila.
Sa ganitong paraan, tinutupad natin ang utos ng Ebanghelyo na magbahagi sa
iba.

Leave a Reply