Patron
ng mga Kombulsyon; Epilepsy
Si
San Willibrord ay nagmula sa Northumberland, kung saan siya ipinanganak noong
mga taong 658. Sa edad na pitong taon, siya ay inilagay ng kanyang mga magulang
sa monasteryo ng Ripon, sa ilalim ng pangangalaga ni San Wilfrid.
Si
Willibrord ay naging isang monghe sa murang edad. Pagkatapos, sa edad na
dalawampung taon, naglakbay siya patungong Ireland at nagpalipas ng mga taon
sa pag-aaral ng mga sagradong agham. Sa edad na tatlumpung taon, siya ay
inordinahan at, kasama si San Swidbert at sampu pang mongheng Ingles, nagpunta
sa Frisia, kung saan isinabog ni San Wilfrid ang mga binhi ng Pananampalataya
noong 678.
Ikinonsagrar
ng Papa Sergio si Willibrord sa Simbahan ni San Pedro, hinirang siyang
arsobispo at pinahintulutan siyang itatag ang kanyang luklukan sa bahagi ng
bansa na sa tingin niya ay pinakakombenyente.
Pagbalik
sa kanyang kawan, pinili ng santo ang lungsod ng Utrecht bilang kanyang
tirahan. Noong 698, itinatag niya ang abadia ng Echternach (sa modernong
Luxembourg), at pinamahalaan ito hanggang sa kanyang kamatayan, na marahil ay
nangyari noong 739.
Leave a Reply