Patron ng mga Gumagawa ng Kandila
Ipinanganak
si San Ambrosio sa Gaul, kung saan ang kanyang ama ay nagsilbi bilang Prefect ng
Praetorian, bandang taong 340. Namatay ang kanyang ama habang siya ay bata pa,
at kasama ang kanyang ina, bumalik siya sa Roma, kung saan nakatanggap siya ng
magandang edukasyon, natuto ng wikang Griyego, at naging
isang
mahusay na makata at orador. Kalaunan, nanirahan siya sa Milan kasama ang
kanyang kapatid.
Si Probus,
prepekto ng praetorian ng Italya, ay hinirang si Ambrosio bilang gobernador ng
Ligurian at Aemilia.
Ang
kanyang mga kabutihan sa posisyong ito , ay
naging dahilan upang siya ay ituring
ng mga
mamamayan ng Milan bilang kanilang obispo sa panahon ng bakante ang posisyon.
Ibinoto siya ng mga Katoliko at Arian sa pinakamataas na dignidad ng diyosesis,
isang dignidad na tinanggap niya nang may pag-aatubili. Dahil isa lamang
siyang katekumen, natanggap niya ang sakramento ng binyag, pagkatapos ay
itinalaga siyang obispo, noong 374, sa edad na tatlumpu’t apat.
Matapos
ibigay ang kanyang kayamanan sa Simbahan at sa mga mahihirap, masikap na
pinag-aralan ni Ambrosio ang mga Banal na Kasulatan at mga sulating
eklesyastikal. Ang kanyang pakikipaglaban sa mga Arian ay naging napakatindi na
noong taong 385, iilan na lamang ang nagpapahayag ng erehiyang ito sa diyosesis.
Noong 381, nagkaroon siya ng konsilyo sa Milan laban sa erehiya ng
Apolinaris.
Nang kunin
ni Maximus ang purpura sa Gaul, ipinadala roon si San Ambrosio, at nagtagumpay
siyang makipagkasundo sa Emperador. Ngunit ang ikalawang embahada, noong 387,
ay hindi naging matagumpay: sinalakay ni Maximus
ang
Italya at natalo siya ni Emperador Theodosius. Sa bandang huli, nagkaroon ng
pagkakataon si San Ambrosio na sawayin si Theodosius at ginawa niya ito nang
may lubos na kalayaang apostoliko.
Ikinagalak
ni San Ambrosio ang makasaksi sa pagbabagong-loob ng dakilang San Agustin, na
kanyang bininyagan noong 387. Isa sa kanyang huling mga gawain ay ang
ordinasyon ni San Honorat. Matapos ang isang buhay ng paggawa at panalangin,
namatay ang banal na obispo ng Milan noong 397.

Leave a Reply