Patrong
Santo ng mga Bilanggo
Si San
Leonardo ay ipinanganak sa Gaul mula sa isang marangal na pamilyang Frankish
noong ika-6 na siglo. Siya ay bininyagan ni San Remi at pumasok sa monasteryo ng
Micy, malapit sa Orléans.
Tumanggi
si Leonardo na tanggapin ang isang obispado na iniaalok ng kanyang ninong, si
Haring Clovis, at naging ermitanyo para kay Kristo. Sa isang lupaing ibinigay
ng Hari, ipinatayo niya ang isang oratoryo na kalaunan ay naging Abadia ng
Noblac.
Ipinangaral
ng Santo ang Ebanghelyo sa mga karatig-bayan at iginagalang dahil sa kanyang
kabanalan, mga himala, at gawain sa mga bilanggo. Nagsikap siyang akayin ang
mga salarin at bilanggo sa isang taos-pusong diwa ng pagsisisi at
pagbabagong-buhay at sa isang ganap na reporma ng kanilang pamumuhay.
Ang mga
gawa ni San Leonardo ay pinutungan ng isang maligayang kamatayan noong taong
559. Ang kanyang kulto ay nag-ugat noong ika-11 siglo at ginawa siyang isa sa
mga pinakasikat na santo noong Middle Ages sa Europa.


Leave a Reply